PNoy sa Marcoses: Mag-sori kayo
MANILA, Philippines – Naniniwala si Pangulong Aquino na dapat lamang humingi ng apology ang Marcoses sa mga biktima ng human rights sa panahon ng Martial Law.
“Yes the Marcoses should apologize for Martial Law abuses. I have said time and again, the Marcoses should apologize for Martial Law abuses,” pahayag ng Pangulo sa FOCAP Forum kahapon sa Solaire Resort and Hotel.
“At one point in time, the Philippine government oppressed its people. That’s why there is a need to compensate the human rights victims under Martial Law of then President Ferdinand Marcos,” wika pa ni PNoy.
Hindi rin naniniwala ang Pangulo na makakabalik ang Marcos family sa Malacañang matapos magdesisyon si Sen. Bongbong Marcos na tumakbo bilang vice-president sa darating na 2016 elections.
“I have faith in my bosses, the Filipino people, they are able to discern,” paliwanag pa ni PNoy sa tanong kung naniniwala ba itong makakabalik sa poder ang mga Marcos sa pamamagitan ni Sen. Bongbong.
Nang tanungin naman si Aquino kung sino sa tingin nya ang mastermind sa pagpatay sa kanyang ama na si dating Sen. Ninoy Aquino Jr. noong 1983, ang sagot ng Pangulo ay “Somebody allowed such situation to happen”.
- Latest