Haze mula Indonesia umabot na rin sa Metro Manila – PAGASA

Bumaba ang visibility sa Ninoy Aquino International Airport nitong Linggo. Hindi naman matiyak kung dahil ito sa smog o haze na umabot na sa bansa mula ng Indonesia. STAR/Rudy Santos

MANILA, Philippines – Umabot na hanggang Metro Manila ang haze mula sa forest fires ng Indonesia, ayon sa state weather bureau.

"Sa Metro Manila, meron tayong light haze... light haze lang naman, so hindi... mapanganib," wika ni PAGASA weather forecaster Meno Mendoza sa Balita Pilipinas ng GMA 7 kahapon.

Sinabi ni Mendoza na nadala ng nagdaang bagyong “Lando” ang haze sa bansa.

Pinakaapaektado ng haze sa bansa ang lungsod ng Zamboanga.

Ayon sa Environment Management Bureau ay nagpositibo sa air pollutants ang hangin sa lungsod.

Nagbabala ang Department of Health sa maidudulot na sakit ng haze katulad ng trigger respiratory tract infections at sakit sa puso.

Samantala, hiniling ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa gobyerno na magsagawa na ng cloud seeding para umulan na sa kanilang lalawigan at mawala na ang haze.

Naniniwala si Ungab tanging ulan ang makakapigil sa pagkalat ng haze na bumabalot ngayon sa buong Davao City.

Sinabi rin ng PAGASA na maaaring mawala ang haze sa pagdaan ng isang bagyo.

Bukod sa Pilipinas ay umabot na rin ang haze sa Singapore, Malaysia at Thailand.

 

Show comments