^

Bansa

Meralco safety tips sa panahon ng baha

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagbigay kahapon ng safety tips ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga kostumer nito sa panahon ng mga pagbaha kasunod na rin ng pana­nalasa ng bagyong Lando.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, sa panahong may baha, dapat tiyakin ng mga kostumer na ang kanilang main electrical power switch o circuit breaker ay nakapatay.

Dapat rin aniyang tiyakin na hindi hahawak ng anumang electrical facility kung basa ang isang tao.

Mas makakabuti kung tiyaking walang anumang de-kuryenteng kasangkapan ang nakasaksak sa wall sockets kung may baha.

Tiyaking ang lahat ng permanently-connected equipment ay nakapatay at siguruhing tuyo ang lahat ng electrical wires, connector at iba pang wiring devices.

Dapat ring tanggalin ang putik at dumi mula sa service equipment o main circuit breaker/fuse, gamit ang rubber gloves at rubber soled shoes.

Sakaling nabasa sa baha ang electrical appliances ay huwag na itong gamitin hangga’t hindi natitiyak ng isang eksperto na ligtas ang mga ito mula sa anumang pinsala.

ACIRC

ANG

AYON

DAPAT

ELECTRICAL

LANDO

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

MERALCO SPOKESMAN JOE ZALDARRIAGA

SAKALING

TIYAKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with