Biktima ng kalamidad isama sa 4Ps!
MANILA, Philippines – Isnusulong ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na isama sa binibigyan ng buwanang tulong pinansiyal ng gobyerno ang mga biktima ng kalamidad tulad ng nagdaang bagyong Lando.
Ayon kay Recto, kailangan rin ng mga biktima ng bagyo ng pangmatagalang tulong kaya dapat silang isama sa Conditional Cash Transfer program ng gobyerno.
“We can call it Conditional Cash for Typhoon Victims or CCTV. Pwede rin Care and Cash for Typhoon Victims,” ani Recto.
Dapat aniyang isaalang-alang ang pagbibigay ng cash sa mga biktima ng bagyo na kukunin sa conditional cash transfer system ng gobyerno.
“Seriously, the idea is to reserve a certain percentage of CCT beneficiaries in a year for disaster victims,” ani Recto.
Hindi aniya dapat mabuhay sa relief bags lamang ang mga biktima ng kalamidad at dapat maisama sila sa nabibiyayaan ng 4Ps.
“Calamity victims should not live from one relief bag to another. One of the best forms of aid is the 4Ps because it is regular, guaranteed and sustained. ‘Yan ang tunay na pantawid - hindi pansamantala o panandalian,” ani Recto.
Hindi aniya kailangan ng mga magsasaka ng mga bag ng sardinas dahil ang dapat ibigay sa kanila ay pangmatagalang tulong.
- Latest