^

Bansa

Anti-Hazing Law ipasa na dapat sa Senado - Gatchalian

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Nationalist People’s Coalition (NPC) Rep. Win Gat­chalian sa Senado na ipasa na nito ang “Anti-Hazing Act of 2015” upang matigil na ang karahasan sa mga estudyante na sumasailalim sa initiation rites ng mga fraternities.

Ginawa ni Rep. Gat­chalian ng Valenzuela City ang panawagan sa Senado matapos masawi ang isang 26-anyos na estudyanteng si Bobong Bualab ng St. Luke’s Institute sa Kabacan, North Cotabato nang sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Phi Sigma Fraternity na naka-base sa University of Southern Mindanao.

“Even after the well-publicized death of De La Salle-College of St. Benilde student Guillo Servando last year, the long list of dead hazing victims continue,” wika ni Gatchalian.

Si Gatchalian ang author ng House Bill No. 5760 na nagre-repeal sa Republic Act No. 8094 or the “Anti-Hazing Law of 1995 na aprubado na sa 3rd reading sa Kamara at naipadala na sa Senado noong Hunyo.

“How many more Guillo Servando’s should die before the Senate green-lights a counterpart mea­sure to the ‘Anti-Hazing Act of 2015’? Imagine what these young victims would have contributed to the society if not for their untimely deaths,” dagdag pa ni Gatchalian na isa sa senatorial candidate ng NPC sa darating na 2016 elections.

Isa lamang si Bualan sa mga biktimang nasawi sa hazing pagkatapos ni Guillo Servando noong Hunyo. Nasawi din sa ha­zing sina Anthony Javier, 18; Christian dela Cruz, 14; Ariel Enopre, 24, at John Kurt Inventor, 15.

Aniya, dapat gawing prayoridad ng senate committee on public order and senate committee on justice and human rights sa pagbabalik ng sesyon sa Nov. 3 ang anti-hazing bills.

ACIRC

ANTHONY JAVIER

ANTI-HAZING ACT

ANTI-HAZING LAW

ARIEL ENOPRE

BOBONG BUALAB

DE LA SALLE-COLLEGE OF ST. BENILDE

GATCHALIAN

GUILLO SERVANDO

HAZING

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with