SC sa INC: Ilabas niyo ang ‘dinukot’ na ministro

MANILA, Philippines – Inutusan ng Korte Suprema ngayong Biyernes ang Iglesia Ni Cristo na ipakita sa kanila ang umano’y dinukot na ministro.

Naglabas ang mataas na hukuman ng writ of amparo at habeas corpus laban kay INC executive minister Eduardo Manalo.

Nais din ng korte na humarap si Manalo sa Court of Appeals (CA).

Nag-ugat ang kautusan sa petisyong inihain nina Anthony Menorca at Jungko Otsuka laban sa pamunuan ng INC.

Ayon sa reklamo, hawak ng INC si Lowell Menorca at ang pamilya niya sa INC central office sa Quezon City.

"...respondents Eduardo Manalo, Radel Cortez, Bienvenido Santiago and Rolando Esguerra, are hereby required to make a verified return of these writs before the Court of Appeals... and appear and produce the persons of Lowell II Menorca, Jinky Otsuka-Menorca, Yuire Keiko Otsuka and Abegail Yanson," nakasaad sa kautusan ng Korte Suprema.

Pinahaharap ng mataas na hukuman ang mga opisyal ng INC sa CA sa Nobyembre 3.

 

Show comments