DSWD: 42,000 katao sinalanta ng Bagyong 'Lando'
MANILA, Philippines — Umabot na sa 42,097 pamilya o 203,267 katao na ang naapektuhan ng Bagyong "Lando" ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes ng umaga.
Kasalukuyang 59,159 katao na ang inilikas sa evacuation centers sa Luzon dahil sa pananalasa ng Bagyong Lando.
Nakakulekta na ang kagawaran ng kabuuang P2.15-milyong halaga ng relief goods at patuloy na isinasagawa ang relief operations sa mga apektadong lugar.
Samantala, umabot na rin sa 308 kabahayaan ang nasalanta sa Rehiyong 1,2,3 at Cordillera Administrative Region.
Patuloy na nararamdaman ang epekto ng Bagyong Lando sa Luzon na nagdulot na ng kawalan ng kuryente at pagguho ng lupa sa Northern at Central Luzon kahapon.
LIVE updates: Typhoon 'Lando'
- Latest