MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong “Lando” sa bansa, kinansela na ang pasok sa mga paaralan ngayong Lunes, Oktubre 19, 2015.
Dalawa na ang iniwang patay ni Lando na nag-landfall Linggo ng madaling araw sa Casiguran, Aurora.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa Tinoc, Ifugao kaninang alas-10 ng gabi taglay ang lakas na 130 kilometers per hour at bugsong aabot sa 160 kph.
Mabagal ang paggalaw ng bagyo sa 5 kph habang tinutumbok ang Ilocos at Cordillera region.
Narito ang listahan ng mga lugar na walang pasok: