MANILA, Philippines – Pinangalanan na kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na si Sen. Bongbong Marcos Jr. ang kanyang magiging running mate sa halalan sa 2016.
Kinumpirma ito ni Santiago sa isang panayam matapos ang kanyang talumpati sa isang pagtitipon sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay City kahapon.
Sinabi ni Santiago na kapwa nila pinili ni Marcos na maging magka-tandem at ‘coincidental’ ang pagtawag ng kanilang kampo sa bawat isa.
“I think we mutually chose each other, our two camps. We happen to cross each other, the telephone lines happen to cross each other. It’s coincidental. One camp was calling the other camp,” ani Santiago.
Kinumpirma naman ni Marcos na nagkaroon sila ng lunch meeting ng asawa ni Santiago na si dating Interior undersecretary Narciso “Jun” Santiago kamakalawa.
Sinabi ni Marcos na marami silang napag-usapan ni Santiago kaugnay sa nalalapit na halalan.
“We discussed a wide range of subjects concerning the upcoming elections and spoke of possible alliances. We agreed to meet again soon,” ani Marcos.
Nauna ng ipinahiwatig ni Marcos sa kanyang Twitter account ang posibleng pakikipagtambalan kay Santiago matapos nitong i-post ang isang lumang larawan nila ni Santiago na nilagyan pa niya ng caption na “Remembering our RH deliberations.