^

Bansa

Tolentino kinasuhan sa Ombudsman sa ‘Playgirls’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng iba’t ibang labor groups sa tanggapan ng Ombudsman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino at iba pang “John Does” kaugnay ng kontrobersiyal na playgirl dance performance sa ginanap na oathtaking ng ilang miyembro ng Liberal Party (LP) noong nakaraang linggo.

Sa 10-pahinang reklamo ng naturang mga grupo na pinangunahan ng kanilang abogadong si Atty. Lorna Kapunan, sinabi ditong ang ginawa ni Tolentino ay paglabag sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at paglabag sa Magna Carta of Women.

Sinasabing si Tolentino ang dapat managot sa insidente dahil ito umano ang nagdala ng mga babaeng dancers na sobrang laswang magsayaw na umano’y surprise gift nito sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjie Agarao.

Bagamat humingi na ng public apology si Tolentino sa naging performance ng Playgirls dancers ay hindi pa rin ito pinaligtas ng mga complainant.

Sinabi ni Kapunan na si Tolentino pa lamang ang kanilang napangalanan sa reklamo dahil ito ang nagbitbit ng mga kababaihan sa naturang event.

Nilinaw ni Kapunan na ang kanilang reklamo ay kasong kriminal at administratibo na maaring magbunsod ng pagka-diskuwalipika nito sa paghawak ng posisyon sa gobyerno at posibleng pagkakakulong.

Habang isinusulat ito ay nagbitiw na sa puwesto si Tolentino.

ANG

BENJIE AGARAO

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

FRANCIS TOLENTINO

JOHN DOES

KAPUNAN

LAGUNA REP

LIBERAL PARTY

LORNA KAPUNAN

MAGNA CARTA OF WOMEN

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with