MANILA, Philippines – Magbabawas ang Manila Electric Company (Meralco) ng 13 sentimo kada kilowatt hour (kwh) sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, bunsod ito ng pagbaba ng generation charge, transmission charge at tax charge sa kanila.
Sa mga tahanan na kumukonsumo ng 200-kwh ay bababa ng P26.36; sa 300-kwh ay P39.55 habang sa 400kwh ay P52.73 ang tapyas sa kanilang babayaran.