MANILA, Philippines – Nagpatupad nang dagdag-presyo sa kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito (Sept 29).
Ito ay pinangunahan ng Sea Oil at Pilinas Shell, na tumaas ng P0.50 kada litro ang kanilang gasolina at P0.10 naman sa diesel na epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.
Habang wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene.
Inaasahan naman ang pagsunod sa kaparehong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang pang kompanya ng langis. Sa text massages ng SeaOil, ang bagong pagtaas ng presyo ng langis ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigan pamilihan.
Magugunitang huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng langis ay noong Setyembre 15 ng P0.10 kada litro sa gasolina.