^

Bansa

Bumili ng mga gamot sa botikang accredited ng DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas makabubuti kung sa mga accredited na botika at parmasyotika  ng Department of Health (DOH)  bibili ng  mga gamot.

Ito naman ang payo ng  DOH kung saan  nakasaad sa advisory nito na ang generic drugs at mga branded na gamot ay magkasingbisa lamang, ngunit mas mura naman ang generic drugs.

Ngunit paalala pa ng DOH, dapat sa  mga accre­dited  lang nilang botika bumili ng mga naturang gamot upang matiyak na hindi peke ang mga ito.

Kailangan din na rehistrado sa Food and Drugs Administration  upang makasiguro sa kuwalidad at ligtas.

“Purchase generic drugs only from drugstores that are accredited or registered by the Food and Drug Administration to ensure their quality, efficacy and safety,” pahayag pa ng DOH sa advisory nito na ipinaskil sa kanilang Facebook at Twitter accounts.

Ang panawagan ng DOH ay kaugnay pa rin sa isinusulong na Republic Act No. 6675, o ang Generics Act of 1988, para matamo  ang universal healthcare.

Sa ilalim ng Generics Act, inaatasan ang mga doctor na magreseta ng generic drugs bilang opsyon sa mga mamamayan na nais bumili ng mas murang gamot.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUG ADMINISTRATION

DRUGS ADMINISTRATION

FACEBOOK

GENERICS ACT

ITO

MGA

NBSP

REPUBLIC ACT NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with