MANILA, Philippines – Binalaan ng tanggapan ng Ombudsman ang publiko laban sa mga pekeng resolusyon mula sa ahensiya.
Ayon kay Ombudsman spokesperson Maria Janina Hidalgo, dalawang local officials sa Camarines Norte ang nagsabing sila ay nakatanggap ng kopya ng resolusyon mula sa Ombudsman na nagrerekomenda na sila ay kasuhan.
“The office warns the public of purported fake decisions or resolutions circulated by unscrupulous individuals. The Office of the Ombudsman recently discovered the existence of fake resolutions received by respondents in Camarines Norte, which turned out to be spurious and non-existent,” pahayag ni Hidalgo.
Binigyang diin ni Hidalgo na ang Ombudsman ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon hinggil dito.
“In case of doubt, the public may validate or verify with the Office the authenticity of any purported resolution or decision,” dagdag ni Hidalgo.
Malaki naman ang paniwala ni Hidalgo na may kulay pulitika ang pagkalat ng mga umano’y pekeng desisyon.