VP, senatorial line-up ni Mar ihahayag sa September 28
MANILA, Philippines – Ihahayag na sa susunod na linggo ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas kung sino ang magiging bise presidente nito sa 2016 elections.
Sinabi ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, chairman ng Political and Electoral Affairs ng LP, sa Setyembre 28 ay ihahayag na sa Club Filipino ni Roxas kung sino ang magiging ka-tandem nito sa darating na presidential elections gayundin ang kanilang senatorial line up.
Nilinaw ni Erice na maging sila ay hindi pa rin alam kung sino na ang napili ni Roxas subalit dumaan umano ang selection process sa National Executive Council ng LP.
Sa ngayon sa mga senatorial candidate ang napipili pa lamang nila ay sina Senators Ralph Recto, Franklin Drillon, TG Guingona at Kiko Pangilinan.
- Latest