^

Bansa

Pagbaba ng rating ni Binay kinukwestyon, analyst duda sa SWS

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuwestyon kahapon ng isang political analyst ang ginamit na methodology o pamamaraan ng Social Weather Stations (SWS) sa isinagawang presidential survey kung saan nanguna si Senator Grace Poe, pumangalawa si LP bet Mar Roxas at nasa ikatlong puwesto lamang si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Prof. Edmund Tayao, ng University of Santo Tomas (UST) sa isang interview sa ANC, ang pinakahuling survey ng SWS ay hindi makabuluhan o walang saysay dahil sa sistemang ginamit. “The survey to me does not matter at all because it asks for three names and there is only one position for President. If this is a senatorial survey, then it would matter....It only shows that the base support for Senator Grace (Poe) and Secretary Mar (Roxas II) would be the same,” ani Tayao.

Sa survey tinanong lamang sa mga respondents kung sinong tatlong lider ang iniisip nila na maaaring pumalit kay Pa­ngulong Aquino sa pagka-pa­ngulo sa 2016. Wala umanong direktang tanong kung sino ang nais nilang kandidato na nais nilang iboto sa eleksyon sa 2016.

Sa September 2015 Social Weather (SWS) Survey na isinagawa noong Setyembre 2-5, 2015 mula sa 1,200 res­pondents, nakakuha lamang si Binay ng 35% habang si Poe ay umakyat sa 47 porsyento at pumangalawa si Roxas na nakakuha ng 39%.

Sa survey, isang porsyento lamang ang itinaas ni Binay habang halos napanatili ni Poe na manguna. Si Roxas ay umakyat sa 18 puntos.

Sa kabila nito, sinabi ni Binay na hindi siya nababahala sa pagbaba ng kanyang rating at iginiit na ang tunay na survey ay mangyayari lamang sa araw mismo ng halalan.

Iginiit ni Binay na mas mahalaga sa kanya na mapanatili nito ang kanyang “core suppor­ters” o mga tagasuporta na bumoto sa kanya bilang bise presidente noong 2010.

Sinabi naman ni Atty. Rico Quicho, Vice Presidential Spokesman for Political Affairs na hindi makakaapekto mula sa resulta ng huling SWS survey ang kagustuhan ng Bise Presidente na ipagpatuloy ang pro-poor programs nito at labanan ang paghihirap at pagtaas ng dumadaming Pinoy.

Pinuna rin ni Quicho ang pagtatanong sa survey kung sinong tatlong lider sa bansa ang maaaring pumalit kay Pa­ngulong Aquino sa 2016. Aniya, walang ispisipikong tanong sa respondents kung sino ang kanilang iboboto sa araw ng eleksyon.

Nakakapagtaka rin aniya ang pagtaas ng rating ni Roxas sa survey na posibleng dahil umano sa mga paggamit nito ng government resources para sa paggulong ng kanyang kampanya tulad matinding advertisement o print ads at commercials.

ACIRC

ANG

AQUINO

BINAY

BISE PRESIDENTE

EDMUND TAYAO

MAR ROXAS

POLITICAL AFFAIRS

RICO QUICHO

ROXAS

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with