Kamara kontra na luwagan ang Bank Secrecy Law
MANILA, Philippines – Tutol ang mga lider ng Kamara sa panukala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Kongreso na luwagan ang Bank Secrecy Law, kapalit ang pagpabor sa pagbaba sa Income Tax Rate.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang pagpapaluwag sa Bank Secrecy Law ay maaaring magdulot lamang ng takot sa mga local at foreign investors.
Kapag anya naaprubahan ang panukala ng BIR, sa halip na makatulong sa tax reforms ay baka maitaboy pa nito ang mga negosyante.
Para naman kay House Independent Minority Leader Ferdinand Martin Romualdez, ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Bank Secrecy ay hindi akma sa ngayon lalo’t bias daw ang kasalukuyang gobyerno laban sa political opposition.
Babala pa ni Romualdez, maaaring magamit ang panukala para i-persecute o i-harrass ang mga kalaban sa politika o kritiko ng administrasyon.
Hamon na lamang nina Belmonte at Romualdez kay BIR Commissioner Kim Henares, habulin na nito ang mga big-time tax evaders, smugglers at money launderers.
- Latest