Klase, trabaho suspendido sa NCR sa Nob. 17-20
MANILA, Philippines – Walang klase at trabaho sa lahat ng paaralan sa National Capital Region (NCR) mula Nobyembre 17 hanggang 20 dahil sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leader’s meeting.
Iniutos ni NCR DepEd schools division director Luz Almeda ang suspensyon ng klase at trabaho noon pang Agosto 10 at 18, ngunit kahapon lamang isinapubliko.
Nitong Hulyo 14 ay idineklara rin ni Pangulong Benigno Aquino III na non-working holiday ang Nobyembre 18 at 19 dahil na rin sa APEC leaders meeting kaya naman apat na araw na walang pasok ang mga estudyante at emplyeado ng mga paaralan sa NCR.
Samantala, kahapon din ay idineklara ni Aquino ang Setyembre 25 bilang national holiday para sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.
Araw ng Biyernes ang naturang holiday kaya naman isa na namang long weekend ito para sa mga walang pasok ng Sabado at Linggo.
- Latest