NET25 di pag-aari ng INC
MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Eagle Broadcasting Corporation na ito ang may-ari ng NET25 na isang television broadcasting network at hindi ang Iglesia ni Cristo.
Gumawa ng naturang paglilinaw sina Nicollete Veron Cruz, production in-charge ng current affairs, at Atty. Citedina Magno-Zarate, corporate secretary ng NET25. Ito’y bilang reaksyon sa isang ulat na lumabas sa Pilipino Star Ngayon noong Agosto 13, 2015 na nagsasaad na ‘bagsak sa survey ng INC si Mar Roxas na kandidatong presidente ng administrasyon sa halalan sa susunod na taon.
Pero, ayon kina Veron Cruz at Magno-Zarate, ang resulta ng naturang survey na lumabas sa programa nilang “Sa Ganang Mamamayan” ay hindi sumasalamin sa mga pananaw at opinyon ng mga miyembro ng INC at ng buong institusyon.
Ayon sa naturang survey, naniniwala ang mga miyembro ng INC na malabong manalo si Roxas sa halalang pampanguluhan sa taong 2016.
- Latest