MANILA, Philippines – Isang long weekend na naman ang nakaabang sa mga Pilipino matapos ideklara ni Pangulong Benigno Aquino III na regular holiday ang Setyembre 25.
Nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang Proclamation No. 1128 na kinikilala ang Eid'l Adha bilang isa sa dalawang mahalagang araw ng mga Muslim.
Ayon sa opisina ng Pangulo, kilala rin ang Eid al-Adha bilang Feast of the Sacrifice.
Araw ng Biyernes ang naturang holiday kaya naman isa na naman itong long weekend para sa mga walang pasok ng Sabado at Linggo.