Eroplano nag-emergency landing sa NAIA 3

MANILA, Philippines – Isang eroplano ang nag-emergency landing kahapon ilang minuto matapos mag-take of sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) Terminal 3, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, lulan ang isang 22 na pasahero na may history ng colon cancer, ng Cathay Pacific Flight (CX-912) nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.

Batay sa Manila Approach Radar, bandang alas-10:09 ng umaga nang ligtas na makalapag ang nasabing eroplano kung saan agad namang inasikaso at nilapatan ng medical attention ang nasabing pasahero at mabilis na isinugod ang pasyente sa San Juan de Dios Hospital.

Matapos maibaba ang pasyente ay umalis din ang eroplano sa NAIA patungong Hong Kong.

Show comments