Anak ni ‘Ka Roger’ laya na
MNILA, Philippines – Nakalaya na ang anak ng namayapa nang New People's Army spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal matapo ang ilang buwang pagkakakulong para sa kasong murder.
Iniutos ni Judge Rodolfo Obnamia Jr. ng Fourth Judicial Region Branch 64 sa Mauban, Quezon ang pagpapalaya kay Andrea Rosal mula sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
"...the Court orders the immediate release from incarceration accused Andrea Rosal from custody unless held or detained for some other unlawful cause of offense," nakasaad sa kautusan.
Sinabi ng isa sa mga abogado ni Rosal na si Edre Olalia na kaagad ding nakalabas ng kulungan ang anak ng NPA spokesperson kasunod ng kautusan ng korte.
"She has proven that all charges against her were false pernicious. This malicious persecution has lost her precious time,cost her a child, and brought deep anguish to her family," pahayag ni Olalia.
"All those responsible for her misery must be made to account and restitute the irreparable damage to her and her dead baby daughter," dagdag niya.
Tumagal sa kulungan si Rosal ng 18 buwan, kung saan nasawi pa ang kaniyang anak matapos niyang isilang sa Camp Bagong Diwa.
- Latest