Partylist isama daw sa local absentee voting

MANILA, Philippines – Isinusulong ng ilang kongresista na isama ang mga partylists sa local absentee voting sa ilalim ng batas.

Sa inihaing House Bill 6009 nina Magdalo partylist Reps. Gary Alejano at Ashley Acedillo, nais nilang maisama na ang partylist Representatives sa listahan ng mga opisyal na ihahalal sa ilalim ng Local Absentee voting.

Ito ay dahil sa kasalukuyan, basta lang isinama ng Commission on Elections (Comelec) ang Partyliat representatives sa mga posisyong pinagbobotohan sa ilalim ng absentee voting nang walang anumang amyenda sa Republic Act 7941 o ang Party-list System Act na nagbigay daan para sa unang Partylist elections noong 1998 at iba pang kaugnay na batas. 

 

Show comments