LPA naispatan sa Bicol

MANILA, Philippines – Isang low pressure area ang namataan ng PAGASA sa gilid na bahagi ng Luzon.

Alas-10 ng umaga ang LPA ay huling namataan 150 kilometro sa hilagang silangan ng Daet, Camarines Norte.

Gayunman, malabo anya itong maging isang bagyo dahil may kahinaan lamang ito at hindi nahahatak ang Habagat.

Maaaring makaranas ng makulimlim na kalangitan ang buong gitnang Luzon, kasama ang probinsya ng Rizal.

Ang Metro Manila naman ay makakaranas ng mga pagkulog lalo na sa hapon at gabi.

Show comments