^

Bansa

Binay, Duterte, Roxas kakaliskisan ng NPC

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maging sina Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at DILG Sec. Mar Roxas ay kakaliskisan na rin ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) bago tuluyang magdesisyon kung sino ang susuportahan sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay NPC spokesman at Quezon Rep. Mark Enverga, ngayong araw ay matatapos ang imbitasyon nila para kay Binay, Duterte at Roxas.

Matatandaan na anim na beses na ipinatawag ng NPC si Sen. Grace Poe samantalang si Roxas naman ay isang beses pa lamang.

Paliwanag ni Enverga, nauunawaan naman umano nila na mabigat ang schedule ng mga presidentiables kaya ipinapaubaya na lamang nila sa mga ito kung kailan sila magtatakda ng oras at araw para humarap sa NPC.

Ayon pa sa Kongresista, nais ng kanilang partido na makinig sa plataporma at programa ng bawat kandidato upang magkaroon sila ng batayan kung sino ang susuportahan ng kanilang partido sa dara­ting na eleksyon.

Ang NPC ay itinuturing na isa sa influential political parties sa bansa na binubuo ng dalawang senador, 40 congressmen, 14 governors at 22 city mayors.

Nilinaw naman ni Enverga na bagamat narinig na nila ang plataporma at programa ni Poe kahit hindi pa ito nagdedeklara ay naniniwala pa rin ang kanilang partido na ito na ang tamang oras para marinig na rin nila ang iba pang presidentiables bago magkaroon ng pinal na desisyon kung sino ang kanilang susuportahan.

ANG

AYON

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

ENVERGA

GRACE POE

MAR ROXAS

MARK ENVERGA

NATIONALIST PEOPLES COALITION

PRESIDENTIAL ELECTIONS

QUEZON REP

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with