Online scams nangunguna sa PNP cybercrimes

MANILA, Philippines – Umabot na sa halos 400 kaso ng online scam ang natanggap ng Philippine National Police - Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), kung saan ito ang nangunguna sa mga inrereklamo.

Mula 2013 hanggang 2015 ay nasa 366 reklamo na ng online scam ang idinulog sa PNP-ACG, habang 240 kaso naman ng online libel ang nasa ikalawang pwesto.

Nasa ikatlong pwesto naman ang online threats na may 129 kaso, habang 127 reklamo naman ng identity theft at 89 kaso ng anti-photo at video voyeurism ang nasa ikaapat at panlima.

Mula 2013 ay umabot na sa 1,211 cybercrime complaints na ang natatanggap ng PNP-ACG

Inabisuhan ng PNP-ACG ang publiko na idulog sa kanila ang mga reklamong may kinalaman sa mundo ng internet upang maaksyunan.

 

Show comments