^

Bansa

Bongbong Marcos bukas makipagtambalan kay Binay sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Desidido si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa eleksyon 2016.

Sinabi ni Marcos na hindi pa niya tiyak kung pagkapresidente ang kaniyang tatakbuhan o pagiging bise presidente at nasa pangatlo lamang ng kaniyang pinagpipilian ang muling pagtakbo sa senado.

"The option still remains but all I can say is that the discussion that I've been having with different groups, with my own party, with other individuals have usually centered on higher office," wika ni Marcos sa ABS-CBN News Channel ngayong Miyerkules.

Inamin din ng senador na bukas siyang maging running mate ni Bise Presidente Jejomar Binay na tatakbong pangulo.

"I'm always open to anything. I always say this is Philippine politics and you cannot discount the possibility of things that you did not imagine would happen," pag-amin ni Marcos.

Samantala, alam niya na mauungkat ang nakaraan ng kanilang pamilya kapag tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.

"We have constantly said if during the time of my father merong mga nasagasaan... or they were victimized in some way or another, of course we are sorry that happened. Nobody wants that to have happened."

Kung matutuloy si Marcos ay tatlo sila sa Nacionalista Party na tatakbo sa mas mataas ma posisyon kabilang sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV.

Nauna nang nagpahayag si Trillanes na tatakbo siyang bise presidente, habang si Cayetano naman ay umamin na ipinrisinta niya ang sarili upang maging presidential candidate ng Liberal Party at Nationalist People’s Coalition.

 

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

BONGBONG

CAYETANO

DESIDIDO

LIBERAL PARTY

NACIONALISTA PARTY

NATIONALIST PEOPLE

NEWS CHANNEL

QUOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with