MANILA, Philippines – Matapos iutos ni Pangulong Benigno Aquino III kagabi, tiniyak ng Bureau of Customs ngayong Martes na ititigil na nila ang pagbubukas ng mga balikbayan box upang masugpo ang smuggling.
Sinabi ni Customs Commissioner Alberto Lina na gagamit sila ng x-ray machines at K9 units upang masuri ang mga pinapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) papasok ng bansa.
"We are already looking into ways of acquiring K9 units and additional CCTV cameras for our ports through emergency procurement," ani Lina.
Kasabay nito ay nanawagan din si Lina sa mga mambabatas na ipasa na ang Customs Modernization and Tariff Act na layuning gawin simple patakaran ng BOC.
"Under the same Act, it is important to note that we have been pushing for the increase of the de minimis value, or the threshold value for taxable imported goods, from the current P10 in duties, taxes and charges for the benefit of our OFW kababayans," dagdag ng pinuno ng customs.
Kagabi ay nakipagpulong si Aquino kina Lina at Finance Secretary Cesar Purisima upang mapag-usapan ang isyu sa mga binubuksang balikbayan box.
Maraming OFW ang umalma dahil sa pagkalikot sa kanilang mga pinaghirapang padala para sa mga kanilang kamag-anak sa Pilipinas.