^

Bansa

Abuso ng BOC binira

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos kahapon ni Vice President Jejomar C. Binay ang pinahigpit na patakaran ng Bureau of Customs sa mga balikbayan boxes na anya ay sumasalamin sa kawalang-damdamin umano ng administrasyon sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker.

“Ang bagong pakana ng BOC na lagyan ng limitasyon ang dami at halagang maipapadala sa Balikbayan Box ay isa na namang uri ng pagsisikil sa mga gawain ng pangkaraniwang mamamayan,” puna ni Binay na dating Presidential Adviser on OFW concerns. “Ito’y patunay rin ng pagka-manhid ng administrasyon na sa halip na magpasalamat sa mga OFW na bumubuhay sa ekonomiya natin ay maghihigpit pa sa kakaun­ting maibibigay sa kanilang mga mahal sa buhay.”

Kinutya ng Bise Presidente ang katwiran ng BOC na ang mas mahigpit na patakaran sa mga balikbayan boxes ay makakatulong sa pagsugpo sa smuggling sa bansa.

Iginiit ng Bise Presidente na hindi dapat isisi sa mga OFW ang kabiguan ng pamahalaan na sawatain ang smuggling ng mga kalakal sa bansa.

“Ang pagtindi ng smuggling sa bansa ay hindi sanhi ng mga padala sa Balikbayan Box. Kakaunti lang ang malalagay na laman sa isang kahon at kulang pa ang mga ito para sa mga kapamilya’t kaibigan ng OFW. Wala ring OFW na nagpapadala ng libo-libong Balikbayan Box buwan-buwan,” diin ni Binay. “Ang malakihang pagpupuslit ng mga kargamento ay kagagawan ng malalaking negos­yante na kakutsaba ang mga tiwa­ling opisyal sa BOC. Hindi nakalagay sa Balikbayan Box ang libo-libong kilo ng mga smuggled na karne, bawang, prutas, klase-klaseng gulay at ibang kagamitang itinitinda sa Divisoria at marami pang malalaking palengke. Pati bigas ay ipinupuslit rin papasok ng bansa. Imposible naman na ipadala sa Balikbayan box ang bigas at karne at mga gulay na ito!”Sinabi pa ni Binay na, sa halip na mga OFW ang pag-initan, dapat ang tutukan ng kasalukuyang administrasyon ang mala­laking negosyanteng kilala bilang mga smuggler.

“Kung totohanan ang anti-smuggling campaign ng administrasyon, simulan nila ito sa pagtugis sa mga kawani ng BOC na sadyang pumipikit kapag dumadaan sa harap nila ang malalaking container vans na puno ng pinuslit na kargamento. Simulan nila ang lifestyle check ng mga kawani ng BOC upang malaman kung sino-sino ang nagmamay-ari ng magagarang bahay at kotse samantalang pangkaraniwan lang ang kanilang mga sahod,” dagdag niya.

ACIRC

ANG

BALIKBAYAN

BALIKBAYAN BOX

BINAY

BISE PRESIDENTE

BUREAU OF CUSTOMS

MGA

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PRESIDENTIAL ADVISER

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with