MANILA, Philippines - Napanatili ng bagyong Ineng ang lakas at patuloy na nagbabanta sa buong Northern Luzon.
Alas-5 ng hapon kahapon, si Ineng ay namataan ng PAGASA sa layong 310 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 170 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 205 kph. Kumikilos ito sa bilis na 11 kph.
Bunga nito, nakataas ang signal no. 3 sa Batanes Group of Islands, Northern Cagayan kasama ang Babuyan at Calayan Group of Islands.
Signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Northern Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte at signal no.1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Northern Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Sa Lunes ay inaasahang nakalabas na ng PAR si Ineng.