^

Bansa

Philippine Eagle na si Pamana patay sa pamamaril sa Davao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang Philippine Eagle na si Pamana sa Davao Oriental.

Sa ulat ng DZMM, nabatid kay Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation, natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Barangay San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan ito pinalaya noong nakaraang Hunyo 12, Independence Day.

Base sa necropsy, ang 3 taong gulang na agila ay nagtamo ng tama ng baril sa kanang dibdib. Nabasag din ang scapula nito.

Patuloy pang inaalam kung sino ang bumaril kay Pamana. Mahaharap umano ito sa kasong paglabag sa Wildflife Act of 2002.

Dinala naman ang mga labi ni Pamana sa Philippine Eagle Cen­ter (PEC) sa Malagros, Davao.

Binanggit din ni Salvador na 90% ng mga pinalayang Philippine Eagle ay napapatay.

Dahil dito ay mas paiigtingin ang campaign at public education para sa campers upang mas mahigpit na maipatupad ang batas na nagpoprotekta sa wildlife species.

Matatandaang pinalaya si Pamana sa virgin forest ng Mt. Hamihuitan, isang UNESCO Heritage Site, noong Hunyo.

Ito’y matapos siyang dalhin sa PEC mula nang matagpuan ito sa Mt. Gabunan Range sa Iligan City noong 2012.

ANG

BARANGAY SAN ISIDRO

DAVAO ORIENTAL

DENNIS SALVADOR

HERITAGE SITE

HUNYO

ILIGAN CITY

INDEPENDENCE DAY

MT. GABUNAN RANGE

PAMANA

PHILIPPINE EAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with