137th birth anniversary ni President Quezon ginunita

MANILA, Philippines – Pinagkalooban kahapon ng posthumous award ng Israel government si yumaong Pangulong Manuel L. Quezon dahil sa ginawang pagtulong nito noon sa mga Jews.

Sinaksihan ni Pangulong Aquino ang pagkakaloob ng Raoul Wallenberg Medal ni Israel Ambassador Effie Ben-Matityau sa nabubunay na anak ni Quezon na si Zenaida Quezon Avancena.

Ginunita kahapon ang ika-137 na kapanganakan ni Pa­ngulong Quezon sa isang simpleng seremonya sa Quezon memorial circle kung saan ay pinangunahan din ni Pangulong Aquino ang inagurasyon ng Museo ni Manuel Quezon.

Binigyan ng posthumous award ng Israel si Quezon dahil sa ginawa nitong pagkupkop sa may 1,200 na European Jewish refugees sa bansa sa pagitan ng 1937-1941 mula sa pagtakas sa Nazi.

Show comments