‘Ineng’ nasa PAR na
MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ineng (Goni) kahapon.
Ayon sa PAGASA, direktang maaapektuhan ni Ineng ang Northern Luzon sa susunod na dalawang araw.
Palalawakin naman ng naturang bagyo ang hanging habagat kayat magiging maulan sa Visayas at Palawan area.
Kaugnay nito, sinabi ni Jori Lois, weather forecaster, na bagamat hindi ito magla-landfall sa ating bansa, magdadala naman si Ineng ng mga pag-uulan sa Luzon kasama na ang Metro Manila sa Huwebes hanggang sa susunod na linggo dahil mababa lamang anya ang bagyo.
Si Ineng ay may lakas ng hanging 170 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 205 kph. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
- Latest