MANILA, Philippines - Pinal nang naglabas ng desisyon ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-upa ng mga bagong 93,000 optical mark reader unit para sa 2016 elections.
Idineklara ni Chairman Andres Bautista na unanimous na nagpasya ang Comelec en banc na gumamit ng mga bagong makina.
Ayon kay Bautista, ito ang pinaka praktikal at pinakaligtas na paraan para matiyak ang kapani-paniwala at malinis na eleksyon.
Dalawang magkahiwalay na bidding ang idinaos ng Comelec para sa pag-upa ng mga bagong makina kung saan parehong nanalo ang Smartmatic-TIM.
Ang pag-upa para sa 23,000 OMR units ay ginawa nuon pang Oktubre, at nito lamang July 31, nagpalabas na ng notice to award ang Comelec para igawad ang kontrata sa Smartmatic.
Hulyo 24, 2015 nang irekomenda naman ng Special Bids and Awards Committee ang paggagawad ng kontrata para sa karagdagang 70,000 OMR units sa Smartmatic-TIM.
Ang halaga ng pag-upa ng 23,000 OMR ay P1.7 billion, habang ang 70,000 OMR ay P6.2 billion kaya posibleng gumastos ang Comelec ng P7.9 billion.