Batas pinirmahan ni PNoy Bata bawal na sa motor
MANILA, Philippines - Nilagdaan na ni Pangulong Aquino bilang batas ang Republic Act 10666 na nagbabawal na iangkas sa motorsiklo ang mga bata para sa kanilang kaligtasan.
Nakasaad na magmumulta ng P3,000 hanggang P10,000 ang mga lalabag sa bagong batas na ito.
Ang mga papayagan lamang umangkas sa motorsiklo ay ang mga batang aabot ang kanilang paa sa tapakan ng motorsiklo, kayang umakap sa motorcycle rider at nakasuot ng protective helmet.
Bukod sa multa ay masususpinde hanggang sa tanggalan ng lisensiya ang motorcycle rider na paulit-ulit ang paglabag.
- Latest