Lacierda, Salgado ‘nagtarayan’

MANILA, Philippines - Nauwi sa ‘bangayan’ gamit ang gay lingo ang sagutan nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at spokesman ni Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Joey Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President, sa tuwing madidinig o mababasa ni Sec. Lacierda ang pangalan ni Vice President Binay ay tumataas ang blood pressure ng tagapagsalita ni Pangulong Aquino.

Tinawag ni Lacierda na ‘charot’ ang True State of the Nation Address (TSONA) ni VP Binay noong Lunes na ginanap sa Cavite State University.

Sinagot naman ni Salgado ang ‘charot’ ni Lacier­da ng “Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu.”

Maging si dating Customs Commissioner Ruffy Biazon ay naaliw sa sagutan ng 2 spokesperson gamit ang mga gay lingo.

Nagpost din si Biazon sa kanyang twitter account ng ‘bonggacious ang tarayan, naloka aqui’.

Show comments