^

Bansa

Taguig session hall kinandado Mayor Lani kinasuhan ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Ombudsman si Taguig City Mayor Laarni Cayetano at Officer-in-Charge City Administrator Jose Montales ng paglabag sa Revised Penal Code dahil sa pagkandado umano nila sa session hall ng lunsod at pagpigil sa mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod (SP) na magsesyon.

Ang Article 143 ng RPC ay nagpaparusa sa sino mang puwersahan o pumipigil na magpulong ang mga miyembro ng  lokal na lehislatura.

Nagbunsod sa kaso ang pagpapaalis sa SP sa tradisyunal na lugar nito at paglipat sa isang maliit na kuwarto sa city auditorium noong Agosto 2010. Dahil sa kaliitan ng lugar, napilitan ang SP na magdaos ng sesyon sa hagdanan ng city hall at sa iba’t-ibang lugar sa loob at labas ng city hall sa sumunod nitong 14 sessions.

Idiniin ng SP na ang pagsara sa session hall ay isang gawain ng pang-aaway na isinakatuparan nang padalos-dalos nang walang isinagawang pangunang konsultasyon at pasabi.

Ibinasura naman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paliwanag ng mga nasasakdal na ang hakbang ay bahagi ng reengineering at reorganization plan ng lunsod. 

Pinuna naman ng Ombudsman na walang plano o walang senyales ng isang project study na magbabalido sa panga­ngailangan ng kagyat na pagbabago sa layout ng mga opisina sa city hall.

Dagdag pa ng Ombudsman, nabigo rin ang alkalde at OIC City administrator na sundin ang Local Government Code na nag-aatas sa maayos na paggamit sa mga tanggapan ng gobyerno at pumipigil sa anumang pag-abuso ng kapangyarihan ukol dito.

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANG ARTICLE

CITY

LOCAL GOVERNMENT CODE

OFFICER-IN-CHARGE CITY ADMINISTRATOR JOSE MONTALES

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

REVISED PENAL CODE

SANGGUNIANG PANGLUNSOD

TAGUIG CITY MAYOR LAARNI CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with