Tanod patay, 5 sugatan sa pag-atake ng mga rebelde sa Cotabato

MANILA, Philippines – Isang barangay tanod ang nasawi, habang limang sundalo ang sugatan sa pag-atake ng mga rebelde kagabi sa isang sagingan sa Tampakan, South Cotabato.

Hindi na umabat pa nang buhay sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktimang si Melchor Galamagang na nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan.

Sinugod ng mga miyembro ng New People’s Army ang Lapanday banana plantation sa Barangay Kipalbig upang manakot at makakuha ng “protection money.”

Sugatan naman ang mga sundalong sina Privates 1st Class John Ivan Suarte, Danny Mark Tandog, John Paul, Salindong Mohammad Ali at Alfred Ablanzar.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga sundalo na miyemro ng 27th Infantry Battalion.

Show comments