P7.6 M shabu ibinaon sa paanan ng Mt. Iraya, suspek tugis ng PNP
MANILA, Philippines – Tugis ngayon ng Philippine National Police ang mga responsable sa paglilibing ng P7.6 million halaga ng shabu sa paanan ng Mt. Iraya sa Basco, Batanes.
Ayon kay Cagayan police regional director Chief Supt. Ranier Idio, iniimbestigahan na nila ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng paglilibing ng mahigit sa dalawang kilo ng shabu na nadiskubre noong nakaraang linggo.
Ang 2.543 kilo ng kontrabando ay narekober noong July 28 ng hapon kasunod ng impormasyon hinggil sa nakatagong shabu na inilibing sa butas may 1.5 talampakan ang lalim.
Ang iligal na pulbura ay iniligay sa apat na pakete na tinatayang may street value na P7.6 million. Ito ay nakatago sa isang butas na ibinaon sa nasabing bundok sa Sitio Diohangu, Barangay San Joaquin sa Basco.
Sabi ni Idio ang pagkaka-rekober ay ginawa sa kooperasyon ng Batanes at ng Basco police at ng Philippine Drug Enforcement Agency.
- Latest