Smartmatic panalo sa bidding ng PCOS
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na ang Smartmatic-TIM ang nanalo sa bidding sa 70,000 units ng optical mark reader o OMR para sa gaganaping automated election sa 2016 alinsunod na rin sa isinumiteng rekomendasyon ng Special Bids and Awards Committee ng komisyon. Ayon kay Bautista, hindi pa inaaksyunan ng En Banc ang rekumendasyon ng SBAC dahil nais muna nilang bigyang daan ang resulta ng rebidding para sa pagpapakumpuni ng PCOS machines. Nakatakda nang buksan bukas, Sabado, ang bid proposal ng mga kumpanyang lumahok sa bidding para sa pagkukumpuni ng mga lumang PCOS. Nabatid na umaabot sa P7.8-B ang inilaang pondo ng Comelec para sa pag-upa ng 70,000 OMR units.
Ipinaliwanag ni Bautista na dahil tiyak na ang pag-upa sa 23,000 OMR units, ang pinagpipilian na lamang nila ay ang PCOS refurbishment o ang pag-upa sa 70,000 karagdagang OMR unit.
- Latest