3 NP members tatakbong VP
MANILA, Philippines – Magiging zona libre o “free zone” ang Nacionalista Party (NP) kapag nagdesisyon ang tatlo nilang miyembro na tumakbong bise presidente sa 2016.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, magiging mahirap para sa NP kung magdesisyon sina Senators Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV na tumakbong bise presidente.
Tanging si Trillanes pa lamang sa tatlong senador ang nagdeklara ng tatakbong bise presidente samantalang si Cayetano na nag-aambisyong maging presidente ay nakakatanggap umano ng feelers para maging ka-tandem nina Sen. Grace Poe at Secretary Mar Roxas, samantalang si Marcos ay hindi pa nagdedeklara kung ano ang plano niya para sa 2016 bagaman at lumutang ang pangalan nito na posibleng maging running-mate ni Vice President Jejomar Binay.
“Para ngang marami sa kanila ang (tatakbong) vice president, so that would be the difficulty for us; sana kung isa lang from the NP, that would be easy,” ani Villar.
Kung hindi umano mapipigil ang tatlo at magdesisyon na pare-parehong tumakbong bise president sinabi ni Villar na “E siguro kung hindi namin sila mapigil e ‘di zona libre.”
Tanging si Marcos lamang ang kabilang sa mga graduating senators sa 2016 samantalang sina Cayetano at Trillanes ay mananatili pa ring senador hanggang 2019.
- Latest