^

Bansa

Goring lumabas na, LPA binabantayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Napanatili ng bagyong Goring ang lakas nito hanggang sa makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng hapon.

Huling namataan ng Pagasa si Goring sa la­yong 1,160 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 145 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na 180 kilometro bawat oras. Si Goring ay kumikilos pakanlurang direksyon sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Lumabas man si Goring sa PAR, patuloy namang nakakaranas ng mga pag-uulan ang nor­thern Luzon dahil sa isang low pressure area (LPA).

Apektado ng dala nitong pag-uulan ang lalawigan ng Isabela, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte kasama na rin ang Batanes, Babuyan at Calayan group of island.

Higit umanong lalakas ang LPA oras na maapektuhan nito ang ha­nging habagat na siyang magdadala naman ng mga pag-uulan sa Metro Manila.

 

ACIRC

ANG

APAYAO

APEKTADO

BABUYAN

BASCO

BATANES

ILOCOS NORTE

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI GORING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with