PNoy pinangunahan ang pagbubukas ng Muntinlupa-Cavite Expressway
MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Biyernes ang pagbubukas ng Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).
Nagmaneho si Aquino at dumaan sa tollbooth plaza bago binigyan ng toll card na siyang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng kalsada.
Mamayang alas-2 ng hapon bubuksan sa publiko ang MCX na kilala rin sa tawag na Daang Hari-South Luzon Expressway (SLEX) Link Road.
Nagkakahalaga ng P2.01 bilyon ang MCX na may habang apat na kilometro. Pagdudugtungin ng kalsada ang Bacoor, Cavite at SLEX.
"We are optimistic that the completion of this toll road would improve Calabarzon's competitiveness as an investment destination," pahayag ni DPWH Secretary Rogelio Singson.
Ito ang unang public-private partnership project ng administrasyon na iginawad sa Ayala Corp.
- Latest