^

Bansa

Abuloy sa patay tinaasan sa Valenzuela

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinaasan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang ibinibigay na abuloy sa pamilya ng mga namayapa upang mas maiwasan umano ang pagpapasugal ng mga residente para makalikom ng pagpapalibing.

Mula sa dating P5,000 burial assistance, dinag­dagan ito ng P2,000 para maging P7,000 na ang abuloy ng lokal na pamahalaan sa pamilya ng nasawing senior citizen at nasa “indigent cate­gory” base sa inilabas na Executive Order no. 2015-205 seris of 2015 ni Mayor Rex Gatchalian. 

Para magkuwalipika umano sa naturang tulong pinansyal, sinabi ni Office of Senior Citizens Affair (OSCA) na kaila­ngang nakarehistrong residente ng Valenzuela ang namayapa base sa death certificate. Kaila­ngan din umanong miyembro ng OSCA ang senior citizen na namayapa at isusuko ng mga kaanak ang OSCA identification card nito para makuha ang tulong.

Kailangan naman umanong may “certificate of indigency” ang isang namayapa na mula sa mahirap na pamilya ng lungsod para mabigyan ng tulong pinansyal ang mga kaanak na naiwan.

Sinabi ni Mayor Gatchalian na isa umano ito sa paraan na naisip nila para matigil na ang pagpapasugal partikular ang “saklang patay” ng mga kaanak ng mga namayapa para makaipon ng abuloy na pampalibing na sinasamantala naman ng mga gambling lords.

“Effective March 1, ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela, dadagdagan ‘yung abuloy na ibinibigay sa mga pamilyang namamata­yan. Kung dati-rati sa ngalan ng pamahalaang lungsod ay nagbibigay tayo ng tatlong libo sa namatayang non-senior citizen, gagawin po na­ting limang libo yan. Para sa mga senior citizen na namamatay, dati-rati ay limang libo, ngayon ay gagawin nating pitong libo,” ani Gatchalian. (Danilo Garcia)

 

ACIRC

ANG

DANILO GARCIA

EFFECTIVE MARCH

EXECUTIVE ORDER

MAYOR GATCHALIAN

MAYOR REX GATCHALIAN

MGA

OFFICE OF SENIOR CITIZENS AFFAIR

PARA

VALENZUELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with