^

Bansa

'Chedeng' lumakas pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man nakakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong "Maysak" ay lumakas pa ito, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.

Sinabi ng PAGASA na huling namataan ang bagyo sa 1,410 kilometro silangan ng Surigao City kaninang alas-4 ng umaga.

Umabot sa 215 kilometers per hour (kph) ang lakas ng bagyong pangangalanang "Chedeng" na may bugsong aabot sa 250 kph, habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 17 kph.

Hindi pa naman ito makategorya ng PAGASA bilang supertyphoon dahil hindi pa ito umaabot sa kanilang pamantayan na 220 kph.

Tinatayang papasok sa PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw.

Inaasahang sa Biyernes o Sabado mararamdaman ang epekto ng bagyo.

ANG

BIYERNES

CHEDENG

INAASAHANG

MAYSAK

MIYERKULES

SABADO

SINABI

SURIGAO CITY

TINATAYANG

UMABOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with