^

Bansa

Albay muling napili ng Philtoa bilang Top Summer Destinations

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines – Muling napili ng Philippine Travel and Operator’s Association (Philtoa) ang Albay bilang isa sa mga “top summer destinations” ngayong taon. Sinadya ito ng 7.1% ng mga dayuhang turistang dumalaw sa bansa noong 2014.

Ayon kay Philtoa president Cesar Cruz, bukod sa kaakit-akit na mga tanawin at masasayang karanasan, bahagi din ng kanilang pagpili ang pamumuno at dedikasyon ng pamahalaang lokal sa pagpapasulong ng turismo.

Batay sa “world class tourism assets” ng lalawigan, pinamatnugutan ni Albay Gov. Joey Salceda ang isang malawakang programang pang-turismo kung saan tampok ang kanilang pamanang lahi, kasama na ang mga luma at makasaysayang gusali, simbahan at bahay, at mga katutubong luto at pagkain. Nitong huli, isinama na rin ang “sports tourism.”

Dahil dito, dumoble na naman ang bilang ng mga turistang Pinoy na dumalaw sa lalawigan sa unang tatlong buwan ngayong 2015 batay sa talaan ng Albay Parks and Wildlife, na paboritong pasyalan, at sa Cagsawa Ruins Park na nagtala ng 40% paglobo ng mga bisita.

Isa si Salceda sa iilang pinarangalan ng Department of Tourism’s (DOT) ng 2014 Tourism Star Award nito bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at galing sa pagpapasulong sa turismo ng bansa sa ilalim ng Tourism Star Philippines (TSP) program nito.

Tinanghal na “fastest growing tourism area” sa bansa ang Albay noong 2013 kung kailan naitala ang 66% growth rate nito, higit na mataas kaysa sa pambansang paglago, kung kaya idineklara itong “tourism powerhouse” ng DOT.

ACIRC

ALBAY

ALBAY GOV

ALBAY PARKS AND WILDLIFE

ANG

CAGSAWA RUINS PARK

CESAR CRUZ

DEPARTMENT OF TOURISM

JOEY SALCEDA

MGA

PHILIPPINE TRAVEL AND OPERATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with