Pagsuko sa Sabah itinanggi ng Palasyo

The Philippines claims ownership of Sabah, which is at present occupied by Malaysia, based on the title of the Sultan of Sulu who ceded proprietary rights over the 76,115-square-kilometer land to the Philippines in 1962. File photo. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan kahapon ng Malacañang ang iniulat ng Vera Files na isinusuko na ng pamahalaan ang pag-angkin sa Sabah kapalit ng pagsuporta ng Malaysia sa West Philippine Sea.

Ayon sa Vera Files, hindi na hahabulin ng Malacañang ang Sabah kapalit ng pagsuporta ng Malaysia sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea kontra sa China.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na wala itong basihan at ang sinasabing note verbale ng Department of Foreign Affairs (DAF) ay nasa context ng magandang bilateral relations ng Pilipinas at Malaysia bilang bahagi ng isyu sa Extended Continental Shelf (ECS) pero wala itong kinalaman sa Sabah claim ng bansa.

Show comments