Filing ng COC sa Oct. 12-16

MANILA, Philippines - Sa Oktubre 2015 maaari ng magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy ang mga nais na tumakbo sa halalan sa May 2016.

Ayon sa Commission on Elections, maaaring  mag­hain ng kanilang COC ang mga kakandidato mula Oktubre 12 hanggang 16.

Hanggang sa Mayo 8 naman ang binibigay na palugit sa mga political parties, party-list organizations at coalitions upang maghain ng kanilang application for registration.

Gayunman, ang mga kasalukuyang party-list groups ay maaaring magsumite ng kanilang “manifestation of intent of participation” sa 2016 elections sa May 8.

Pinalitan ng bagong regulasyon ang March 31 deadline na unang itinalaga para sa registration ng bagong mga political parties, party-list groups at coalitions set sa ilalim ng Resolution No. 9366.

Show comments