Trillanes tatakbong bise
MANILA, Philippines - Tatakbo bilang bise presidente sa 2016 si Sen. Antonio Trillanes IV. Isinantabi ni Trillanes ang kanyang mababang ranking sa mga presidential surveys dahil hindi naman umano siya tatakbong presidente.
Nilinaw ni Trillanes na ang balak na pagtakbo bilang bise presidente ay kanyang desisyon at walang kinalaman ang Nacionalista Party na kanyang partido.
Naniniwala rin si Trillanes na marami ring malalakas na kandidato sa pagka-bise presidente tulad nina Sen. Chiz Escudero at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Maari rin umanong tumakbong muli bilang bise presidente si Vice Pres. Jejomar Binay bagaman at malakas ang ugong na tinatarget nitong tumakbong presidente ng bansa.
Nakatakdang mag-usap ang Nacionalista Party sa huling linggo ng Abril. Kabilang sa mga posibleng gawin ng NP ay ang paglalagay ng sariling standard bearer o ang pakikipag-kowalisyon sa ibang partido tulad ng Liberal Party.
- Latest