MANILA, Philippines – Isang 2-months old baby boy ang tinangkang ipuslit palabas ng bansa ang nakita sa x-ray machine sa final check ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, na natutulog sa loob ng isang backpack, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ulat, isang Jennifer Pavalaurea, 25, Papua New Guinea national, ina ng beybi at isang nursing graduate.
Sa isinagawang imbestigasyon, papuntang Port Moresby si Pavalauerea pero pagdating nito sa Immigration counter sa departure area ng airport ay agad nakita ng immigration officer na may problema ito dahil overstaying allien matapos itong lumagpas sa 59 days allowable stay sa bansa.
Gayunman, pinayagan si Pavalaurea na makaalis ng bansa matapos mag-final boarding ang sasakyang nitong eroplanong Air New Guinea Airline.
Sinasabi sa ulat, pagdating sa final boarding ng NAIA - T1 hindi inakala ni Pavalaurea na may final x-ray machine ulit dito kaya ng idaan ang kanyang backpack sa nasabing makina ay nakita ang ‘image’ ng laman ng bagahe niya.
Sa ginawang pagtatanung-tanong ng mga awtoridad napag-alaman na si Pavolaurea ang ina ng batang lalaki at nagsabing kaya niya nagawa na ilagay ito sa kanyang backpack ay dahil kulang ang immigration clearance nito. Samantala, hindi pinaalis ng bansa si Pavolaurea at ang sanggol ay isinalin sa pag-iingat ng kanilang kaibigan na isang alyas John Frederick Camarines na naghatid sa mag-iina sa paliparan.